anon petsa na ba ngayon? mero namang kalendaryong pwedeng tignan.. ano kayang ulam namin mamaya? andyan naman si manang na pwedeng tanungin.. halos lahat ng tanong merong sagot.. lahat ng bagay may katapat at lahat ng problema may solusyon.. dalawang bagay lang ang pwede mong pa basehan sa mga desisyon mo sa buhay.. at yun ang "TAMA" o "MALI". kadalasan, di na tayo nag-iisip, basta lang ba maging masaya at nakaka-sabay ka ayos na, pero pag medyo tagilid na, dun mo na lang ma-iisip na may mali ka pa lang nagawa.. hindi madaling tanggapin o aminin ang mga pagkakamali ng isang inidibidwal.. nag hahanap ng butas ng taong masisisi o bagay na magbabalingan ng atensyon.. pero kahit anong gawin mo, hindi mo ito matatakasan.. mapap-isip ka na lang ng malalim.. pag masyadong mabigat at mahirap ang isang problema, kadalasan hindi tayo nag hahanap ng paraan para ma solusyonan ang probleam, kundi naghahanap tayo ng paraan para makatakas sa kabalbalang ginawa. marami na akong naranasang gusot sa buahy, lahat dinadaan sa dasal at lakas ng loob, hindi ako sumuko ni minsan ginagawa ko ang lahat "tama man o mali" basta lang matapos na, tinataksaan ko ang mga bagay na masama sa alam kong paraan, parating naka-salalaly sa Panginoon ang lahat, tinatanggap ang binibigay at kinakaya ang hamon. ngunit ngyon, hindi ko alam kung anong gagwin ko, isang kamalian ang pumapasok sa aking isispan, paraan para takasan ang isa na namang kalokohan, pero sa panahong ito hindi ko alam kung pakikinggan pa ng Panginoon ang aking mga dasal.. basta ang nasa-isp ko ngayon, matapos lang toh, solve na.