Tuesday, May 20, 2008


may 20, 2008 kahapon, araw ng SAS Math Diagnostic Test ko saAteneo.. sabi nila sa exem n ato malalamn kung gaano ka katalino sa math... ayos naman yung exam bale 23 items lang sasagutan mo sa loob ng isang oras. pro bago ang lahat i kkwento ko muna kung gaano ka hirap ang mawala sa bago mong paaralan. (exciting) 5:30 am ng nagising ako dahil sa kakulitan ng aking mama.. habang natutulog ako, ginisng nya ako pra maligo.. 5:30 a.m? tapos yung exam ko eh 9:00 a.m pa..sobrang aga pa naman kaya hindi ko siya pinansin.. natulog ulit ako at nagising sa oras na 7:00, naligo ako at agad na bumaba para umorder ng pagkain.. pag katapos ng ilang minuto, nasa school na ako...


kawalan Part1

ayon sa www.addu.edu.ph ay dapat 30 minutes before ay nasa 7th floor kana ng Finster Hall.. kaya ayon, naghanap ako ng elevator, papasok na sana ako ng nakalimutan kong bumili ng bondpapaer at ballpoint pen.. kaya ayun balik ulit ako sa groundfloor at humingi ng pera kay mama.. bumalik na ako sa 2nd floor at naghintay ng bakanteng elevator.. matapos ang ilang segundo, huminto sa harap ko ang medyo napupuno ng elevator, kasabay ang isang matabang baboy na saksakan na yabang na halos bumigay na yung elevator dahil sa angas nya at bigat ng mga taba niya.. ggrrr!! nakaka-inis.. hay, buti na lang eh mabilis yung elevator at nakababa na din agad ao sa 7th floor. hay sa wakas andito na rin ako, sinilip ko lahat ng pintuan at hinanap ko ang S1, perp WALA! wow, grabe.. malapit na mag 9 di ko pa nkikita yung room ko.. ayon, meron akong nakitang babaeng mukhang nawawala.. lalapitan ko sana siya pero naunahan niya ko.. siguro nabasa niya yung iniisp ko.. pareho kaming nawawala.. haha! ayun, S3 pala siya.. hahah!! kaya ayun, nilibot namin yung buong building at dun sa 4th floor namin nakita yung room namin.. nag-umpisa na yung exam namain, isang oras.. 23 items.. sa awa ng Diyos may dalawa kong nasagutan.. haha!! mabuti na yun, kesa sa wala, db? haha! pagkatapos ng exam..
binalikan ko yung mama ko sa baba, ayun.. may kausap siyang dalwang babae.. tumabi ako kay mama.. at pinakilala niya ako sa kanyang NFF (NEW FOUND FRIEND).. HAHHA! pagkatapos dumating na din yung mga anak ng NFF niya... pinaklili saken c Jordan (babae siya) hehe..
at si CARLO.. hanep! sobrang angas sa kagwapuhan, muntik ko ng makalimutan na meron na pala kong **** hehe.. ayun.. tapos na.. na excite ka ba? haha!! saya nuh?

Thursday, May 15, 2008

anon petsa na ba ngayon? mero namang kalendaryong pwedeng tignan.. ano kayang ulam namin mamaya? andyan naman si manang na pwedeng tanungin.. halos lahat ng tanong merong sagot.. lahat ng bagay may katapat at lahat ng problema may solusyon.. dalawang bagay lang ang pwede mong pa basehan sa mga desisyon mo sa buhay.. at yun ang "TAMA" o "MALI". kadalasan, di na tayo nag-iisip, basta lang ba maging masaya at nakaka-sabay ka ayos na, pero pag medyo tagilid na, dun mo na lang ma-iisip na may mali ka pa lang nagawa.. hindi madaling tanggapin o aminin ang mga pagkakamali ng isang inidibidwal.. nag hahanap ng butas ng taong masisisi o bagay na magbabalingan ng atensyon.. pero kahit anong gawin mo, hindi mo ito matatakasan.. mapap-isip ka na lang ng malalim.. pag masyadong mabigat at mahirap ang isang problema, kadalasan hindi tayo nag hahanap ng paraan para ma solusyonan ang probleam, kundi naghahanap tayo ng paraan para makatakas sa kabalbalang ginawa. marami na akong naranasang gusot sa buahy, lahat dinadaan sa dasal at lakas ng loob, hindi ako sumuko ni minsan ginagawa ko ang lahat "tama man o mali" basta lang matapos na, tinataksaan ko ang mga bagay na masama sa alam kong paraan, parating naka-salalaly sa Panginoon ang lahat, tinatanggap ang binibigay at kinakaya ang hamon. ngunit ngyon, hindi ko alam kung anong gagwin ko, isang kamalian ang pumapasok sa aking isispan, paraan para takasan ang isa na namang kalokohan, pero sa panahong ito hindi ko alam kung pakikinggan pa ng Panginoon ang aking mga dasal.. basta ang nasa-isp ko ngayon, matapos lang toh, solve na.

Tuesday, May 13, 2008

BlogaMundo 1

time check? ummmm 7:50 a.m, aga ah? hindi ito ang oras ng normal kong gising, napaka-aga nito kung iisipin.. pero dahil sa lakas ng ulan kaninang madaling araw, eh hindi na ko nakatulog muli, kaya eto, sa wakas! nagkarron na din ako ng panahon at gana para mag sulat dito, ilang linggo ko na kasing ginawa tong account na to, eh dahil lagi akong tinatamad at walng ma-isip na isulat dito, kaya andito ako ngayon. eh nakaka-g*g* naman tuwing umaga tinititigan ko itong Blog eh wala namang laman. walang kwenta. hahaha!! hidni ko namn talga hilig ang pagsulat, ang trip ko eh mag basa ng kung anu-anong libro at tumingin tingin sa mga bagay-bagay.. eh dahil na iinggit ako sa aking kapatid na si Jeleena, eh napagtripan ko din ito. pero dati pa naman akong may blog, kaso isa din yung walang saysay.. ayun hindi ko na mabukasn dahil nakalimutan ko na yung password, haha!! nga pala, kung mapapansin nyo, hindi "english" yung Blog ko, eh kasi ayokong mag english, ayoko o di marunong? haha! ganun na din yun. anh totoo eh ayokong mag english tulad ng karamihang nasa BlogaMundo, ayos na saken yung mag Tagalog, at least kahit mangmang eh mababasa tong post ko. lahat ng Pilipino. maiintindihan ito.. napansin ko kaisng masyado na tayong na iimpluwensiyahan ng dayuhan, sa damit, sa hilig, sa kultura at lalong-lalo na sa mga ganito. may mga kilala akong Pilipino, na nangagarap maging Koreana ang laki naman ng "MATA" yung iba naman gustong maging Mestiza eh ubod naman ng "ITIM" tsaka yung iba nagiging katawa-tawa sa kaka-english, mali-mali naman yung grammars, tulad na lang nung nabasa ko sa isang comment, " HI! PLZ, LIVE ME YOURS COMMENT, AND I'LL HIT YOU BACK!" kita mo na? dahil sa impluwensiya ng iabng tao, eh natuto na yung iab mang-gaya.. wrong grammar na nga, wrong spelling pa.. yung iba naman kumukuha ng litrato ng iba ta sasabihin.. "this is the real me" hello? bat ba hindi ka na lng magpaka-totoo? hahaha! yun, masyado na kong nagiging madaldal, tsaka baka marami ng natamaan dun sa post ko, at baka mapa-away pako.. sa uulitin.. =)