time check? ummmm 7:50 a.m, aga ah? hindi ito ang oras ng normal kong gising, napaka-aga nito kung iisipin.. pero dahil sa lakas ng ulan kaninang madaling araw, eh hindi na ko nakatulog muli, kaya eto, sa wakas! nagkarron na din ako ng panahon at gana para mag sulat dito, ilang linggo ko na kasing ginawa tong account na to, eh dahil lagi akong tinatamad at walng ma-isip na isulat dito, kaya andito ako ngayon. eh nakaka-g*g* naman tuwing umaga tinititigan ko itong Blog eh wala namang laman. walang kwenta. hahaha!! hidni ko namn talga hilig ang pagsulat, ang trip ko eh mag basa ng kung anu-anong libro at tumingin tingin sa mga bagay-bagay.. eh dahil na iinggit ako sa aking kapatid na si Jeleena, eh napagtripan ko din ito. pero dati pa naman akong may blog, kaso isa din yung walang saysay.. ayun hindi ko na mabukasn dahil nakalimutan ko na yung password, haha!! nga pala, kung mapapansin nyo, hindi "english" yung Blog ko, eh kasi ayokong mag english, ayoko o di marunong? haha! ganun na din yun. anh totoo eh ayokong mag english tulad ng karamihang nasa BlogaMundo, ayos na saken yung mag Tagalog, at least kahit mangmang eh mababasa tong post ko. lahat ng Pilipino. maiintindihan ito.. napansin ko kaisng masyado na tayong na iimpluwensiyahan ng dayuhan, sa damit, sa hilig, sa kultura at lalong-lalo na sa mga ganito. may mga kilala akong Pilipino, na nangagarap maging Koreana ang laki naman ng "MATA" yung iba naman gustong maging Mestiza eh ubod naman ng "ITIM" tsaka yung iba nagiging katawa-tawa sa kaka-english, mali-mali naman yung grammars, tulad na lang nung nabasa ko sa isang comment, " HI! PLZ, LIVE ME YOURS COMMENT, AND I'LL HIT YOU BACK!" kita mo na? dahil sa impluwensiya ng iabng tao, eh natuto na yung iab mang-gaya.. wrong grammar na nga, wrong spelling pa.. yung iba naman kumukuha ng litrato ng iba ta sasabihin.. "this is the real me" hello? bat ba hindi ka na lng magpaka-totoo? hahaha! yun, masyado na kong nagiging madaldal, tsaka baka marami ng natamaan dun sa post ko, at baka mapa-away pako.. sa uulitin.. =)